Saturday, May 11, 2019

WALANG AASA KUNG WALANG PAASA!💔


---Totoo naman dba? walang aasa kung walang mga taong PAASA.. Yun bang tipong pag nagustuhan ka ng lalake, lahat ng positive words sasabihin sayo;

📍Ang ganda mo naman para maging single..

📍Kaya siguro single ka dahil di pa tayo pinagtatagpo..

📍I love you na ata..❤😅

📍Kain kana wag papalipas..Papakasal pa tayo..

📍Alagaan mo mabuti sarili mo ha..

📍Ikaw lang wala ng iba..

📍Ikaw na ang hili kong mamahalin..

📍Lage mo tatandaan mahal na mahal kita, kahit ano mangyari.

📍Sigurado na ako sayo..

📍Mag aaway lang tayo ha, pero walang maghihiwalay..

(Pinaka Paasang salita na narinig ko!)



-- Ilan lang yan sa mga salita na madalas bitawan ng mga lalakeng paasa. Ang sweet noh? ikaw naman tung tanga kilig na kilig naman.. Yun bang pakiramdam mo mahal na mahal ka na niya, yun bang ang saya saya sa pakiramdam..Hindi mo alam sa bandang huli ikaw din ang mahihirapan at masasaktan.. YEs! Trust me..



--Kumusta na ba yang pagmamahal na sinsasabi ninyo? Masarap? Masaya? sus! sa una lang yan..



--Bakit kaya may mga lalake na nagagawa tayong paasahin sa kabila ng pagmamahal na pinapadama natin sakanila? haaays! Ang hirap din kasi satin Umaasa naman tayo na susuklian din nila ng pagmamahal ung pinapakita natin.. Ang sakit sakit lang kasi akala natin sila na, akala natin natagpuan na natin ung para satin, hindi pa pala. Ano bang pinanghahawakan natin at bakit nasabi natin na sila na? dahil mahal natin sila? dahil sweet kayo? dahil sa mga salitang binibitawan sayo? well, iba iba naman tayo ng reason eh. Ang masakit yung umasa tayo sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Umasa tayo na tutuparin nila yung mga pangakong binitawan satin..Pero anong ginawa nila? wala, sinaktan lang tayo.. Pinaasa lang talaga tayo sa mga kasinungalingang salita nila.. Sinong kawawa? tayo diba? sinong umiiyak tayo diba? Sinong hirap mag move on? Tayo diba?  haaays ganyan talaga ang buhay.. May mg paasa at patuloy na umaasa..💔